Paperback ✓ Distrungka PDF/EPUB ↠



1 thoughts on “Distrungka

  1. K.D. Absolutely K.D. Absolutely says:

    Ayon sa huling pahina ng aklat na ito ang mayakda si Teo T Antonio ay 60 anyos na at ito ay kanyang pang apat ng koleksyon ng mga tula na inilimbag ng UST Publishing House Ang obra nyang ito ay nagkamit ng parangal sa katatapos pa lang na NBDB Awards sa kategorya ng PoetryAng aklat ay binubuo ng 58 na maiikling tula Nagdo dog ear ako ng mga pahina kapag nagustuhan ko at binilang ko ang mga ito walo o 14% lamang Kung sabagay yon namang mga nagustuhan ko ay talagang gusto ko Ito ang tatlong pinakapaborito koPagdidistrungka sa Sarili p 7 Maganda ang paglalarawan sa pagdidistrungka o pagbabaklas ng iba't ibang bahagi ng katawan ng nagsasalaysay sa pamamagitan ng pagtula Parang layon ng unang tula sa koleksyon na bigyan ng kabuohang tema ang lahat ng mababasang tula sa aklat Pagdidistrungka ay parang paglalantad ng pagkatao ni Antonio ngayong siya ay animnapung taon na Isang paga alay sa sarili na kahit wasakin at durugin siya ay parang sining na lalong lilikha ng bago't bagong pakikihamok Mabilis ang pintig ng tula ngunit sa dulo ay may lambing Nabubuo ang naiiba't sariwang paglikha kahit dinidistrungka ang sugatang puso't diwa Masining ang pagkakahabi ng mga salita Piling piliIsang Gabi ng Kahungkagan p 24 Sa tulang ito mararamdaman mo ang hinaing ng isang nagbabalik tanaw na tao sa kanyang kabataan Ang mga aral na ipinamana sa kanya ng mga magulang niya noong kanyang kabataan Huwag maglalaro sa ulanHuwag matutulog nang basa ang buhokHuwag hayaang matuyo ang pawis sa likodHuwag lapastanganin ang nuno sa punsoHuwag pabayaan ang mga matatandaHuwag laktawan ang tadhana Dati rati noong di pa ako masyadong nagbabasa ng tula iniisip ko na ang ganitong listahan ay walang kahulugan Parang kung ano lang ang pumasok sa isip ng makata Pansinin na di naman tumugma ang huling mga salita sa taludtod Pero kung iisipin mo may pagkakasunod sunod ang mga tagubilin mula sa hindi totoo o halos hindi totoo kagaya ng paglalaro sa ulan gusto natin yan at di naman masama basta wala kang lagnat di ba? hanggang sa nakakaantig na hindi pagpapabaya sa matatandang kamag anak hanggang sa mapilosopiyang hindi paglaktaw o pagbabaliwala o pagkikipaglaro sa tadhana Sampol lang ito ng buong tulang sadyang napakaganda Lubhang kakaiba ang tama sa akin ng tula Siguro kasi middle age na rin ako3 Anino sa Tag araw p 60 Ito ay isang tulang parangal kay Nick Joauin isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas Papupugay sa galing ni Joauin at tahasang sinabi ni Antonio na kahit namatay na si Joauin ang namatay lamang ay kanyang katawan at hindi ang akda mo na lalaging buhay Pansinin ang masusing pagkakatugma at saktong bilang ng mga pantig sa huling talata Ngayo'y panulat kang apoy sa tag arawinit ng anino'y kusang dumudungaw;sa kapuwa alagad na dulot ay panglawat mangungulila sa nigas mong tanglawSa tanging Dambana ng Sining na lataypluma mo Nick Joauin ay di mamamatay Ganda Parang si Joauin ay isang birheng niloloahan tuwing Flores de Mayo ng isang sagala Tinalo man ng koleksyong ito ang aklat ng kaibigang kong si Jim Pascual Agustin na Baha Bahagdang Karupukan totoo namang marami ring tunay na magagandang tula rito at di pa rin maitatanggi na mahusay na makata pala itong si Teo T Antonio Kung sabagay anim na dekada na siyang nabuhay sa mundo samanatalang si Jim ay tatlong dekada pa lamang Siguro kailangan pa ni Jim na magsulat ng 3 dekada pa para marating ang naabot ni AntonioSalamat sa iyong magagandang mga tula Ginoong Antonio


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Distrungka [Ebook] ➨ Distrungka Author Teo T. Antonio – Thomashillier.co.uk Sinasabing ”Nadadagdagan tayo ng edad pero di nadadagan ng buhay an gating pagtanda” Parang gusto nating maniwala o totoong ang iba sa ati’y naaabala sa paghahanap buhay”Sa anu’t anuman hind Sinasabing ”Nadadagdagan tayo ng edad pero di nadadagan ng buhay an gating pagtanda” Parang gusto nating maniwala o totoong ang iba sa ati’y naaabala sa paghahanap buhay”Sa anu’t anuman hindi tayo mahuhusgahan ng sinuman maliban sa ating nagpabayang sarili kung ano nga an gating inuna at pinag aksayahan ng mahabang panahonKung inaksaya ko ang buhay upang tumuklas ng iba’t ibang talinghaga nanghiram ng dunong – katutubo man o banyaga ang lumikha ng maraming tula ay isang bagay na di ko pinagsisihan sa halip ay ipinagmamalakiAng iba’y nagsikap ding lumikha ng maraming bagay na gusto nila anumang larangan ang kanilang pinili Naging maligaya sila at nagtagumpay at wala ring pinagsisisihanMahalaga na an gating hindi perpektong sarili ay sinikap na maging perpekto sa daigdig na alam nating hindi perpekto Kahit mahirap matagpuan ang kalantayan sa balighong mundoSabihin man ng iba an gating pagkakamali’t kakulangan naroroon ang lantay na pagbaklas sa sarili upang maibahagi ang dinistrungkang pagkatao at maging makabuluhan para sa iba.